Mas malala ang China kaysa EU — Lagman

Mas malala ang mga kondisyones ng China kapalit ng kanilang pautang, kumpara sa European Union (EU) na tanging layon ay protektahan ang karapatang pantao.

Ito ang opinyon ni Legitimate Minority Congressman Edcel Lagman ng Albay, kaugnay sa pagtanggi ni Pangulong Rodrigo sa P13.8 Billion grant ng EU.

Ayon kay Lagman, hindi maituturing na pakikiaalam ang pagpuna ng EU sa extrajudicial killings sa bansa, na siyang ikinagagalit ng pamahalaan kaya tinanggihan ni Pangulong Duterte ang kanilang tulong.

“(But) he accepts Chinese pledges of aid and investments despite the overriding condition that the Philippines must not enforce against China the UN-supported arbitral decision of the United Nations Arbitral Tribunal,” ani Lagman.

Mas malala aniya ito dahil soberenya na ng bansa ang nakataya lalo na’t patuloy ang aktibidad ng China sa West Philippine Sea at pinalalawak pa ang mga islang gustong sakupin ng Chinese authorities tulad ng target na pagkubkob sa Panatag Shoal at Benham Rise na hindi na sakot ng South China Sea.

Maliban dito, sinabi ni Lagman na boluntaryong ibinibigay ng EU ang nasabing halaga sa Pilipinas o hindi na kailangang lumuhod pa ang Pilipinas para makakuha ng grant.

Taliwas aniya sa ginagawa ng China na kailangang sumunod ang Pilipinas sa kanilang kagustuhan na manahimik sa isyu sa West Philippine Sea bago ibigay ang utang na hinihingi ng Duterte administration.

“The President’s rejection of EU aid was precipitately made without a collective consultation with his economic team,” ayon pa kay Lagman.

The post Mas malala ang China kaysa EU — Lagman appeared first on Abante News Online.

latest,national,news,­pangulong rodrigo duterte,benham rise,china,edcel lagman,european union,shoal,south china sea,west philippine sea

Fuente: ABANTE