EU Parliament, mga ‘buang’ – Duterte

“Bakit kayo nakikialam!” Ito ang resbak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa European Union Parliament na nanghihimasok sa kanyang giyera kontra iligal na droga.

“You know, you guys. I’ll talk in English. Do not impose your culture or your belief in what would be a government in this planet. Do not impose on other countries, especially us,”babala ng pangulo sa liderato ng EU.

Ayon kay Duterte, nag-propose ang EU sa kanya na lahat ng addicts, wala nang patayan, bigayan na lang.

“Kung shabu, bigyan ka ng shabu; kung heroin, bigyan ka naman; kung cocaine, bigyan ka ng cocaine, magpunta ka lang sa isang center. Itong mga ‘buang’ na ’to, hindi ko talaga… why are you trying to impose on us Why don’t you mind your own business Why do you have to you know, f*** with us, goddammit,”banat ni Duterte.

Hindi rin nagustuhan ni Duterte ang labis na pakikialam ng EU sa mga ASEAN countries katulad ng Pilipinas.

“ASEAN countries because may… there’s a death penalty in Indonesia, Malaysia and I’m trying to revive it and I’m trying… as if the other countries of EU walang death penalty. Marami pa rin,” giit ni Duterte.

The post EU Parliament, mga ‘buang’ – Duterte appeared first on Abante News Online.

latest,national,news,asean,european union parliament,rodrigo duterte

Fuente: ABANTE