De Lima ‘no show’ sa PI

No show si Senator Leila de Lima sa preliminary investigation (PI) na itinakda kahapon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa reklamo na isinampa laban sa kanya na may kinalaman sa talamak na illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) noong siya pa ang kalihim ng DOJ.

Sa halip, nagpadala na lamang ng kanyang kinatawan ang senadora para kumuha ng kopya ng apat na reklamong isinampa laban sa kanya.

“It’s not really the preliminary investigation yet as I understand it because the subpoena that I received was just the subpoena to obtain co­pies of the complaint and supporting evidence. Ang nakalagay pa nga doon, you or your authorized representative. I’m just sending a representative who will obtain copies of all those complaints,” pahayag ni De Lima sa mga mamamahayag kasabay ng dinaluhan nitong forum kahapon sa University of the Philippines Diliman.

Sinabi pa ni De Lima na maghahain din ang kanyang abogado ng Omnibus motion.

Magugunitang, isinampa ang mga reklamo ng high profile inmate na sina Jaybee Sebastian, National Bureau of Investigation (NBI), Volunteers Against Crime and Corruption, at dating NBI deputy directors Ruel Lasala at Reynaldo Esmeralda.

Samantala, haharapin o kilalanin lamang umano ni De Lima ang ethics complaint laban sa kanya sa Senado dahil ito ang tanging may hurisdiksyon sa kanya partikular sa pagpapataw ng anumang disciplinary action laban sa sinumang miyembro ng kapulungan.

The post De Lima ‘no show’ sa PI appeared first on Abante News Online.

national,news,doj,jaybee sebastian,nbi,nbp,reynaldo esmeralda,ruel lasala,senator leila de lima

Fuente: ABANTE