DAYAN NASA CRAME NA

Upang matiyak ang kaligtasan ni Ronnie Dayan, ang dating driver-lover ni Senator Leila de Lima, inilipat na ito sa kustodiya ng PNP sa Camp Crame.

Ito ang kinumpirma kahapon ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa, pero tumanggi itong ibunyag kung saan ang partikular na lugar sa Camp Crame ang kustodiya nito.

Ayon kay Dela Rosa, nagpasya silang ilagay sa kustodiya si Dayan matapos ang mga ulat na mayroon umanong mga umaaligid na mga hindi kila­lang indibidwal sa bisinidad ng Pangasinan Provincial Police Office kung saan unang dinala si Dayan matapos ang ginawang pagdinig sa Kamara.

“Mabuti nang masiguro natin ang kaligtasan niya (Dayan) kaya kinuha na lang namin dito sa Camp Crame para i-custody,” wika ni Dela Rosa.

Sa Lunes, inaasahang magkakaharap sa senate hearing sina Dayan at ang sinasabing druglord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.

The post DAYAN NASA CRAME NA appeared first on Abante News Online.

national,news,camp crame,general ronald dela rosa,pnp,ronnie dayan

Fuente: ABANTE