Si ‘temperamental brat’ kasi!

Isa sa gumising sa diwang makabayan ng mga aktibista ang pagtawag ni Communications Sec. Martin Andanar sa mga anti-Marcos na ‘temperamental brat’ o kulang sa pansin kaya’t nagwawala ngayon sa lansangan ang mga kabataan.

Ayon sa radical youth group na Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK), mas aktibo ngayon ang diwang maka­bayan ng mga kabataang estudyante na halos ilang dekada na ring namamahinga at hindi gaanong nakikilahok sa malalaking usaping pampulitika.

Huling nagpamalas ng makasaysayang youth power ang mga millennials noong patalsikin sa pwesto si dating Pangulong Joseph Estrada.

Dahil sa bansag na temperamental brat ni Andanar sa mga anti-Marcos, ikinasa ang Black Friday protest ng mga militanteng kabataan sa pangunguna ng Anakbayan, League of the Filipino Students (LFS) at Spark.

Sa kabilang banda, iginiit ng grupo na ang nagbubuklod ngayon sa pwersa ng mga kabataan ay ang masidhing paglaban sa pagbabalik ng Martial Law.

The post Si ‘temperamental brat’ kasi! appeared first on Abante News Online.

national,news,dating pangulong joseph estrada,samahan ng progresibong kabataan,sec. martin andanar.

Fuente: ABANTE