POWER HIKE, AWATIN N’YO!

Inanunsyo kahapon ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na posible umanong bahagyang tataas ang singil nila sa kuryente nga­yong buwan ng Disyembre.

Pero si Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate, agad ipinukol sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang hamon na harangin ang bagong pasakit na ito sa publiko para makabawi ang ahensya sa mga alegasyon ng katiwalian.

Hindi pa tinukoy ni Joe Zaldarriaga, spokesper­son ng Meralco, kung magkano ang itataas ng singil ng kuryente dahil nagsasagawa pa sila ng kompyutasyon dito.

Gayunman, nilinaw nito na ang pagtaas ay bunsod na rin umano ng pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar at patuloy na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Zaldarriaga, may mga power plants na ang singil sa kanila ay sa dolyar kaya’t nakakaapekto rin sa presyo ng kanilang singil ang pagbaba at pagtaas ng presyo ng piso, habang ang iba naman ay nagtataas ng singil dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, na ginagamit nila sa paggawa ng kuryente.

“There is a possibility for a slight increase in December, mainly due to the peso depreciation and fuel price increases,” ayon pa kay Zaldarriaga.

Hindi ito katanggap-tanggap para sa kinatawan ng Bayan Muna sa Kamara.

“Meralco’s reasoning is really absurd because foreign exchange fluctuation is part of one’s business risks and should not be passed on to consu­mers,” ani Zarate na ang tinutukoy ay ang bisyo ng Meralco na ipasa sa kanilang mga consumers ang gastos na dapat ay pinapasan nito.

Maging ang katwirang oil hike ay binakbakan ng solon sa pagsasabing, “Besides, the oil stocks they have are at least 3 months old, meaning they were bought at lower pri­ces so why should they increase their power rates They are again just trying to rake in more profits.”

The post POWER HIKE, AWATIN N’YO! appeared first on Abante News Online.

latest,national,news,erc,joe zaldarriaga,meralco,rep. carlos zarate

Fuente: ABANTE