Millennials ginising mismo ni PDigong

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang gumising sa millennials kaya nag­lalabasan na ang mga ito sa kalsada upang hadlangan ang mga banta sa demokrasya at ang lantarang paglapastangan sa kasaysayan.

Ito ang paniniwala nina Akbayan partylist Rep. Tom Villarin at Magdalo partylist Rep. Gary Alejano matapos masaksihan na mayor­ya sa mga nagprotesta noong Miyerkules ay mga tinaguriang millennials o ipinanganak matapos mapatalsik si dating Pa­ngulong Ferdinand Marcos noong 1986.

“Millennials are the new faces and forces of democracy, awakened by a rising culture of impunity and lack of decency in government,” pahayag ni Villarin nang tanu­ngin kung ano’ng mensahe ng mga millennials sa kanilang pagsama sa mga kilos protesta laban sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa hiwalay namang panayam kay Alejano, sinabi nitong, “Sa mga panahon ngayon na kung saan ang impormasyon ay available na sa isang pindot ng daliri, ito ay nagdulot ng malawak na kamalayan sa mga millennials ng bansa.”

The post Millennials ginising mismo ni PDigong appeared first on Abante News Online.

national,news,pangulong rodrigo duterte,rep. gary alejano,rep. tom villarin

Fuente: ABANTE