LAKERS PINAAMO ANG BULLS

CHICAGO (AFP) — Umarangkada si ­Julius Randle sa dulo upang kamauhin ang Los Angeles Lakers sa pagbawi sa makupad na simula upang matimbog ang Chicago Bulls, 96-90, sa 71st NBA 2016-2017 season eliminations Huwebes (Manila time) sa United Center.

Nakita sa Lakers ang sobrang kapaguran sa pagsabak sa pang-apat na laro sa limang gabi, nalubog ng 14 sa makunat na first quarter. Binalikat nina Jordan Clarkson at Lou Williams ang comeback sa second period nang maitabla ang half, 47-all, at diktahan na ang see-saw battle hanggang katapusan.

Pumoste ulit ang Bulls ng 8-point lead sa midway ng third bago naglunsad ang Laker bench ng panibagong rally para maging dikdikan ang game pa-halfway mark ng fourth period. Pagkaraan ng back-to-back baskets ni Clarkson na nagpalamang sa Lakers sa 90-87 sa 1:50 remaining, tinabla ni Jimmy Butler ang game sa three-pointer kasunod ang pivotal basket ni Randle sa nalalabing 45 tikada.

Namintis ni Butler ang game-tying attempt pero naiwan pa rin kay Williams na open ang pinto para sa Bulls nang masablay ang kanyang charities. Mintis ulit si Butler sa triple na magdadala sa game sa overtime, at nagsalpak si Randle ng free throw para sa selyuhan ang tagumpay.

Tumipa sina Clarkson at Williams ng 18 each sa pagkarga sa ­Lakers, na ngayo’y 10-10 na. Nag-aambag si Randle ng 13 markers at career-high 20 rebounds. Nanguna si Butler sa lahat ng scorers sa 22 sa kabila na may miserableng shooting performance, naka-4-of-18 floor.

Lagpak ang Bulls sa 10-7 maski nakais­kor ang lahat ng starters ng double digits. May 17 si Dwyane Wade at 14 si  Rajon Rondo. Nagdagdag si Taj Gibson ng 11 points at 10 rebounds.

The post LAKERS PINAAMO ANG BULLS appeared first on Abante News Online.

basketball,sports,­julius randle,chicago bulls,jordan clarkson,los angeles lakers,lou williams

Fuente: ABANTE