Sige, magpapapugot ako! — Bato

“I’m willing for my head to be cut off.”

Ito ang paninindigan ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa matapos iulat ng isang himpilan ng telebisyon na binawi na ni confessed drug lord Kerwin Espinosa ang kanyang pagsasangkot kay Albuera Police chief Jovie Espenido sa illegal drug trade.

Sa lumabas na ulat, sinasabing wala umanong katotohanan ang paglinis ni Kerwin sa pangalan ni Espenido at sinabi rin ni Atty. Leilani Villarino, abogado ni Kerwin, na wala namang pagbabago sa testimonya ng kanyang kliyente.

Ito’y bilang pagpapasinungaling sa naunang pahayag ni Dela Rosa na nilinis na ni Kerwin ang pangalan ng hepe ng Albuera Police.

“Wala naman akong mapapala kung nagsisinungaling lang ako at masisira lamang ang aking kredibilidad dito,” wika ni Dela Rosa.

Kasabay nito, halos sinermunan pa ng chief PNP ang media dahil tila pilit umano silang pinagbabangga ni Kerwin at gumagawa lamang ng istorya.

The post Sige, magpapapugot ako! — Bato appeared first on Abante News Online.

national,news,atty. leilani villarino,general ronald dela rosa,jovie espenido

Fuente: ABANTE