Solon kay PDU30: Kahirapan ang patayin mo!

Sa halip na puro adik at may banta pang isasama ang mga human rights defenders, kahirapan ang dapat umanong unang patayin ni Pangulong Rod­rigo Duterte sa bansa.

“The government should address poverty which leaves the Filipinos vulnerable to the ills of illegal drugs,” ani CT Teachers partylist Rep. France Castro dahil hanggang hindi umano naibabaon sa hukay ang kahirapan ay maraming mamamayan ang kakapit sa patalim.

Pinaalala ng mambabatas na isa sa mga inaasahan ng sambayanang Filipino kay Duterte noong manalo ito bilang pangulo ng bansa ay magdala ng pagbabago (change) sa buhay ng mga Filipino.

Samantala, lubhang ikinabahala rin ni Rep. Antonio Tinio ang banta ni Duterte.

“What he said was a clear threat to those who raise concerns about the extrajudicial killings occurring in the course of his anti-drug war. What he committed is extremely unbecoming of a President whose influence greatly impacts the lives of millions of Filipinos,” ani Tinio.

Kinalampag din ng Network Against Killings in the Philippines (NAKPh) si Pangulong Duterte sa pagbabanta nito sa mga human rights advocates kung saan pinababawi ng grupo ang binitiwang mga pahayag ng Chief Executive.

“We appeal to President Duterte to revoke this statement so as not to give police officers and the death squads out there the wrong impression that, in the war on drugs, human rights are also targeted. Human rights activists are not the enemy,” giit ng grupo.

Pinagtanggol naman nina Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay at Communications Sec. Martin Andanar ang diumano’y “hindi seryosong salita” ng Pangulo.

“The President knows that he cannot do that. The President as a lawyer knows that it is wrong to do that,” sabi ni Yasay sa panayam sa TV.

“It was just a figure of speech… Kilala naman natin ang Pangulo na ganoon talaga siya magsalita,” depensa naman ni Andanar.

The post Solon kay PDU30: Kahirapan ang patayin mo! appeared first on Abante News Online.

national,news,pangulong rod­rigo duterte,rep. antonio tinio,rep. france castro,sec. perfecto yasay

Fuente: ABANTE