VAT-free na ang PWDs

Hindi na sisingilin ng value added tax (VAT) at magkakaroon pa ng 20% discounts ang may 1.5 milyong people with disabilities (PWDs) sa buong bansa sa kanilang mga pangangailangan.

Ito ay matapos lagdaan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act (RA) 10754 o An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability that exempts PWDs.

Sinaksihan nina Sen. Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara at dating Leyte Congressman Martin Romualdez, mga pangu­nahing may-akda sa nasabing batas ang signing ceremony sa IRR.

“Layunin ng batas na ito na mapagaan ang pasa­nin ng ating mga kababa­yang may kapansanan. Magandang Pamasko ito para sa kanila at sa kanilang pamilya,” ani Angara.

The post VAT-free na ang PWDs appeared first on Abante News Online.

national,news,congressman martin romualdez,dswd,irr,pwds,sen. juan edgardo “sonny” angara,vat

Fuente: ABANTE