Amoy 13th month pay

Inilabas na kahapon ng Social Security System (SSS) ang P7.2 billion na gagamitin sa 13th month pay at iba pang bayarin sa mga pensioners.

Ang 13th month pension ay para sa mga pensioners na sakop ng Social Security and Employees’ Compensation program, maliban sa mga covered ng partial disability na ang tinatanggap na pension ay hindi umaabot ng 12 months.

Ayon kay Normita Doctor, officer-in-charge ng SSS benefits administration division, ang ibibigay na 13th month pension na katumbas ng isang buwang pensyon ay hiwalay pa sa matatanggap na buwanang pensyon ng mga miyembro ngayong Disyembre.

The post Amoy 13th month pay appeared first on Abante News Online.

national,news,13th month pay,normita doctor,sss

Fuente: ABANTE