Libong OFWs aarestuhin sa Qatar

Pinangangambahang maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang maaaresto ng Qatari government dahil sa pagiging ilegal na pananatili at pagtatrabaho ng mga ito sa nasabing bansa sa kabila na inilabas na amnestiya ng nasabing bansa na nagtapos ngayong Disyembre 1.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Charles Jose, base sa ipinadalang impormasyon ng Philippine Embassy ng Qatar, aabot pa lamang sa 240 OFWs ang nakikipag-ugnayan sa mga ito.

“Per our embassy in Doha in their last report, they issued around 240 travel documents to OFWs who wanted to avail of amnesty,” sa text message sa Abante ni Jose, na incoming Philippine Ambassador to Malaysia.

“But more of the estimate, 2,000 undocumented OFWs may have gone directly to Qatar government to avail of amnesty,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ng DFA na hindi nagkulang ang mga opisyales ng Philippine embassy sa Qatar sa mga illegal OFWs sa karapatan at pananagutan ng mga ito sakaling tumangging tanggapin ang amnesty na ipinagkaloob ng pamahalaan ng Qatar.

The post Libong OFWs aarestuhin sa Qatar appeared first on Abante News Online.

abroad,latest,news,charles jose,dfa,ofws,qatar

Fuente: ABANTE