TERROR ALERT!

Inilagay sa Terror Alert Level 3 ang buong bansa.

Ang anunsyo ay inihayag kahapon ni Phi­lippine National Police (PNP) chief Director Ge­neral Ronald ‘Bato’ dela Rosa kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang suspek na nagtanim ng bomba malapit sa US Embassy sa Manila noong Lunes.

Bilang epekto ng inakyat na terror alert level kung saan nasa ‘full alert level’ din ang buong pambansang pulisya, sinabi ni Dela Rosa na asahan umano ng publiko ang mas mahigpit na security measures gaya ng pagpapatupad ng random at mobile checkpoints saanmang panig ng bansa.

“Walang dapat ikabahala ang publiko kahit nakataas sa terror alert level 3 ang buong bansa,” ani Dela Rosa.

Nagpalabas na rin ng direktiba ang hepe ng pulisya sa mga regional police directors na pala­kasin pa ang seguridad sa mga highly urbanized cities sa buong bansa.

Kahapon sa press conference, iprinesenta ni Dela Rosa sa media ang dalawa sa limang suspek na sangkot sa tangkang pagpapasabog sa Roxas Boulevard malapit sa US Embassy nitong Lunes. (May kaugnay na ulat sa pahina 6).

Pero ang ilang baba­eng mambabatas, gina­pa­ngan ng kilabot sa dek­la­ras­yon ng “terror alert” da­hil nanumbalik umano sa kanila ang sitwasyon noong bago ibinaba ni yumaong strongman Ferdinand E. Marcos Sr. ang Martial Law.

“Terror alert level 3 announcement by the Philippine National Police, coupled with the state of lawless violence declaration still being implemented, will result to a political crackdown and may in fact be a prelude to the imminent declaration of Martial Law,” ani Kabataan partylist Rep. Sarah Elago.

Simple naman ang naging reaksyon ni Sen. Leila de Lima sa ganitong mga pahayag, “They can be capable of lies and deception also in graver matters on national security,” kasabay ng panghihikayat sa publiko na, “we have to be vigilant. We have to be discerning about what’s happening.”

The post TERROR ALERT! appeared first on Abante News Online.

featured,national,news,ferdinand e. marcos sr,ge­neral ronald ‘bato’ dela rosa,pnp,rep. sarah elago,sen. leila de lima,terror alert level 3,us embassy

Fuente: ABANTE